PCG, NAGBABALA SA MGA PILIPINO NA HUWAG MANIWALA SA FAKE NEWS TUNGKOL SA SITWASYON SA WEST PHILIPPINE SEA

 


PCG, NAGBABALA SA MGA PILIPINO NA HUWAG MANIWALA SA FAKE NEWS TUNGKOL SA SITWASYON SA WEST PHILIPPINE SEA

 

Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga Pilipino na huwag maniwala sa maling impormasyon at pekeng balita tungkol sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS), kung saan ipinapakitang tama ang China.

 

"I'm calling all Filipino na mahilig mag-Facebook, mahilig gumamit ng social media, kung may makakakita kayo ng fake news na lumalabas sa feed ninyo, at least, learn to comment, share the right information," pahayag ni PCG spokesperson Jay Tarriela nitong Agosto 12, Sabado.

 

"Huwag natin hayaan na mag proliferate ito. Otherwise, sa laban natin sa West Philippine Sea, matatalo tayo," dagdag pa ni Tarriela.

 

Inilabas ang nasabing pahayag ni Tarriela isang linggo ang nakalipas noong inatake ng Chinese Coast Guard (CCG) ang Philippine vessel gamit ang water cannon sa Ayungin Shoal.

 

Kabilang sa ilang maling impormasyon na ibinerepika ng Vera Files noong Mayo 2023, na umano'y nagpaputok ng water cannon ang PCG sa isang Chinese fishing vessel sa West Philippine Sea. | JOHN RONALD GUARIN


via CNN Philippines

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog