DATING MANILA VICE MAYOR DANILO LACUNA PUMANAW NA SA EDAD NA 85-ANYOS

 


Pumanaw na sa edad na 85-anyos ang ama ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na si dating Manila Vice Mayor Danilo “Danny” Lacuna, Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023. 

Nabatid sa social media post nito na namatay si dating Vice Mayor Danny Lacuna Linggo ng madaling araw. 

Mababatid na si Danilo Bautista Lacuna ay nagsilbi bilang Konsehal ng Lungsod ng Maynila mula 1968 hanggang 1975 at Bise Alkalde ng Lungsod noong taong 1970 hanggang 1971, 1988 hanggang 1992, at pinakahuli noong 1998 hanggang 2007. 

Itinatag din ni dating VM Danny Lacuna ang lokal na partidong pampulitika na “Asenso Manileño”, na siyang bumuo kay dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at incumbent Mayor Honey Lacuna. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog