BUDGET PARA SA 4PS, PLANONG TAASAN NG GOBYERNO SA 2024


 


 

Ipinanukala ng administrasyong Marcos ang P112.8 bilyon budget para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa susunod na taon. 

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sakop ng nasabing alokasyon ang education at health grants para sa tinatayang 4.4 milyon household maliban sa rice subsidies na layong mapigilan ang matinding epekto ng global inflation. 

Kaugnay dito, inaayos na rin umano ng administrasyon ang listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps at inalis na ang mga hindi iligible para makatanggap ng suporta at tumanggap na ng mga bagong batch ng mga benepisyaryo. 

Matatandaan na una ring inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na patuloy ang kanilang pag-review sa mga benepisyaryo ng 4ps upang matukoy kung sino sa kanila ang “graduate” na sa naturang programa. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog