67 MGA PASAHERO, NASAGIP NG PCG MATAPOS LUMUBOG ANG SAKAY NA MOTORBANCA SA POLILIO, QUEZON

 


67 MGA PASAHERO, NASAGIP NG PCG MATAPOS LUMUBOG ANG SAKAY NA MOTORBANCA SA POLILIO, QUEZON

Ni John Ronald Guarin

 

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 67 mga indibidwal mula sa lumubog na motor banca haba nasa laot na bahagi ng Barangay Macnit, Polilio, Quezon nitong Agosto 3, araw ng Huwebes.

 

Ayon sa ulat na ibinigay sa Coast Guard, mga bandang alas-10 ng umaga umalis ang motorbanca na Jovelle Express 3 mula sa pantalan ng Patnanungan papuntang bayan ng Real sa Quezon na may 60 pasahero at 7 tripolante, at may karga ring aabot sa 15 Styrofoam box ng mga isda.

 

Sa pahayag naman ng Coast Guard sa Northern Quezon, mabuti na lamang at may suot na life vest ang mga pasahero bago lumayag.

 

Base imbestigasyon, may tumamang matigas na bagay sa naturang motorbanca at dito na nagresulta sa ang pagkasiro nito at bahagyang lumubog.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog