Nakatakdang mahaharap sa patong-patong na kaso ang isang babae na una nang naiulat na pumapasok sa mga establisyemento at nagpapakilala bilang personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) at nag-aalok o nagbebenta ng fire extinguisher.
Ito ang kinumpirma ni SFO1 Leo Jizmundo, Provincial Intelligence and Investigation Officer ng BFP-Aklan, kung saan inihahanda na rin aniya na iturn-over sa ARC ng Nabas PNP ngayong araw ang pangunahing suspek na si Cherry Grace De Leon at kasama nitong isa pang babae na kinilalang si Mary Jo Juachon, 38 anyos at residente ng Taguig City.
Habang ang isa pang kasama ng mga ito na si Jeric Ramirez, 29 anyos at residente ng Hinoba-an, Negros Occidental ay una nang nakapagbayad ng piyansa sa kaso namang estafa.
Dahil dito naghihintay ang 3 counts ng estafa at 2 counts ng usurpation of authority para kay De Leon at estafa din para kay Juachon, habang inaasahan pa ang kasong isasampa ng iba pa nitong mga biktima sa probinsya.
Nabatid din kay Jizmundo na karaniwang mga gasoline station at iba pang establishments ang tina-target ni De Leon na napag-alaman ding una nang nakapang-biktima sa kasama ang kaniyang grupo, sa National Capital Region, Region 4A, Region 3, at Region 2.
Binigyang-diin naman ni Jizmundo na hindi gawain ng kanilang personnel na pumasok sa mga establisyemento upang mag-alok o magbenta ng fire extinguisher at sakali man mayroong isasagawang inspeksyon ay tiyak na hindi iisa lamang ang magsasagawa nito, mayroong IDs at nakasuot ng tamang uniporme.
Samantala, sakali man aniya na maulit ang kaparehong
pangyayari ay hinimok nito ang publiko na agad na makipag-ugnayan sa mga
tanggapan ng BFP upang makasiguro. |
0 Comments