PCG-AKLAN NAKATAKDANG MAGSAGAWA NG ACTUAL ASSESSMENT SA MGA PANTALAN; KANSELASYON SA MGA BYAHE NG SASAKYANG PANDAGAT SA ILANG LUGAR PATULOY NA UMIIRAL



Sa kabila nang unti-unting pagbuti ng panahon ay nananatili pa rin ang kanselasyon sa mga byahe ng sasakyang pandagat.

Ito ang sinabi ni SCPO Dominador Salvino ng PCG-Aklan, sa panayam ng Radyo Bandera Kalibo matapos ang inilabas na sea travel advisory, ngayong umaga. 


                                                  


Ayon kay Salvino sa papalayong bagyo na si Goring at umiiral na southwest monsoon, nakakaapekto ito sa western seaboard ng Northern Luzon gayundin ang western at southern seaboards ng southern Luzon at Visayas, partikular ang Romblon at Aklan.
 

Dahil dito, lahat ng motorboats na patungong Caticlan Jetty port papuntang Hambil port, San Jose at Sta. Fe port sa Romblon ay nananatiling kanselado, gayundin ang mga water sea sports sa Isla ng Boracay. 

Samantala, sinabi naman ni Salvino na nakatakdang magsagawa ng actual assessment ang PCG ngayong umaga, kung saan posible pang magbago ang inilabas na anunsyo sakali na bumuti pa ang panahon. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog