HEALTH EMERGENCY ALLOWANCE PARA SA MGA HEALTHCARE WORKERS, MALAPIT NANG MATANGGAP –PHO AKLAN



Malapit nang matanggap ng mga healthcare workers sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang kanilang Health Emergency Allowance (HEA).

Ito ang kinumpirma ni Dr. Cornelio Cuachon Jr., ng Provincial Health Office (PHO) Aklan sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, nakuha na nila ang mahigit 28.3 milyon na tseke mula sa Department of Health (DOH) Regional Office nitong Agosto 16 at kaaagd naman itong itinurnover sa Office of the Treasurer.

Nitong Agosto 23, nagsumite ang DRSTMH ng payroll sa Accounting Office ngunit humihingi pa aniya ang mga ito ng iba pang dokumento tulad ng payroll na voucher na dapat nakahiwalay ang regular employee, casual, contract service, job order at outsources personnel.

Maliban dito, kailangan din aniyang magbigay ng column sa payroll na voucher ng computation ng BIR at kinakailangan ding magbigay ng kopya ng Covid Risk Exposure Classification Report.

Sa ngayon, ginagawa na aniya ang mga hinihinging dokumento upang maisumite na sa Office of the Provincial Accountant dahil hinihintay na ito ng mga empleyado.

Hiniling din nito sa mga healthcare workers na maghintay dahil minamadali na nila ang pag-comply ng mga requirements upang maibigay na kaagad ang HEA.

| JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog