PARCEL NA NAGLALAMAN NG HALOS P46-M NA ‘SHABU’, NAHARANG SA NAIA
Nasabat ng otoridad ang nasa P45.9 million na
pinaghihinalaang shabu sa isang parcel sa loob ng PAIR-PAGS Center sa NAIA
Complex sa Pasay City.
Ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),
papasok sa bansa ang inabandonang parcel na naglalaman ng 6,750 grams ng white
crystalline substance na suspected shabu.
Sa pagsisiyasat ng mga personnel, isiniksik umano ito sa
anim na foil packs ng mani at idineklarang “African Cultura."
Ipinadala umano ito ng nagngangalang Michael Mobida mula sa Johannesburg,
South Africa at ipinadala kay Wilbert Dee ng Manila, Philippines.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang PDEA sa
pagkakilanlan ng mga sangkot sa tangkang pagpuslit ng nasabing droga sa bansa. |
0 Comments