Photo Courtesy: KareenMercado |
LALAKING 6-ANYOS, PINAKABATANG NAAKYAT ANG TUKTOK NG MT.
BULUSAN
Kinabiliban ng mga netizen ang batang 6-anyos matapos mapagtagumpayang
maakyat ang tuktok ng Mt. Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa ulat, nakilala ang batang lalaki na si Hiraya
Mercado na naghahangad na maakyat ang tuktok ng mga bundok sa Pilipinas gayundin
sa iba’t ibang mga bansa sa mundo.
Photo Courtesy: KareenMercado |
Naabot ni Hiraya ang tuktok ng nasabing bundok sa tulong na
rin ng mga magulang nito na parehong mountaineers.
Nabatid na tinatayang 1,565 meters above sea level ang
taas ng Mt. Bulusan. |
0 Comments