FOUL PLAY SA PAGKAMATAY NG NATAGPUANG BANGKAY NG ISANG LOLO SA BALETE, KINUMPIRMA NI PMAJ ALAMO

 


FOUL PLAY SA PAGKAMATAY NG NATAGPUANG BANGKAY NG ISANG LOLO SA BALETE, KINUMPIRMA NI PMAJ ALAMO

 

Kinumpirma ngayon ng Balete PNP na mayroong foul play sa pagkamatay ng natagpuang bangkay ng 81-anyos na si Ricarte Perez Tuberiadez sa Sitio Saeag, Brgy. Cortes, Balete. 

Ito ang inihayag ni PMAJ Bryan Alamo sa Radyo Bandera News Team, matapos na isailalim sa Forensic Autopsy at Post-Mortem Examination ang natagpuang bangkay, kamakailan lamang. 

Dito ay matutukoy aniya ang dahilan ng pagkamatay ng biktima at kung ito ba ay itinago muna ng mga suspek bago patayin. 

Matatandaan na una nang inihayag ng pamilya nitong kumbinsido sila na may foul play ang pagkamatay ng kanilang ama at isa sa mga tinitingnang motibo ng mga ito ay ang pagnanakaw dahil sa kakabenta lamang nito ng lupa at alagang baka. 

Sa ngayon ay hinihintay na lamang aniya nila ang findings ng mediko legal na inaasahan namang mapasakamay ng kanilang tanggapan, bukas.

Matatandaan na una nang naiulat ng mga otoridad na missing ang nasabing lalaki noong July 17 habang positibo namang kinumpirma ng kaniyang pamilya na ito ang nakitang bangkay matapos ang halos dalawang linggong paghahanap. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog