PANUKALANG GAWING REGULAR HOLIDAY ANG NATIONAL ELECTIONS, APRUBADO
NA SA KAMARA
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 8187 o ang pagdedeklara bilang national holiday ang araw ng eleksyon sa bansa.
Sa botong 198-0, ipinasa ng mga mambabatas sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8187, na naglalayong amyendahan ang Section 26, Chapter 7, Book 1 ng Executive Order 292 o ang Administrative Code of 1987.
Batay sa iminungkahing panukala, ang pagdedeklara sa petsa para sa pagsasagawa ng isang nationwide poll bilang isang non-working holiday ay magbibigay ng partisipasyon sa mga botante na nagtatrabaho sa ibang lugar upang makauwi at gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.
Mababatid na sa House Bill No. 8187, kabilang sa maituturing na ‘national elections’ ang plebisito, referendum, people’s initiative, recall election, special election, regional elections, at iba pang kahalintulad na botohan na botohang pang nasyunal. |Ni Teresa Iguid
0 Comments