CRIMINOLOGY STUDENT, PUHUNAN ANG PAGIGING MAKE-UP ARTIST SA KANYANG PAGTATAPOS

 


CRIMINOLOGY STUDENT, PUHUNAN ANG PAGIGING MAKE-UP ARTIST SA KANYANG PAGTATAPOS


Ikinatuwa ni Francis John Padilla ang isa sa mga yugtong kanyang napagtagumpayan matapos na makapagtapos sa kursong BS Criminology mula sa pagiging isang make-up artist.

Nagtapos si Padilla nitong Hulyo sa edad na 22-anyos sa South East Asian Institute of Technology (SEAIT) sa Tupi.

Sa isang ulat, naging malaking tulong para sa 22-anyos ang kanyang sideline na pagme-make up dahil bukod sa natustusan nito ang pag-aaral ay naipagamot pa nito ang kanyang ina nang magkaroon ito ng stroke gayundin ang pagpapa-aral sa nakakabatang kapatid.

Sa isang ulat, sinabi ni Padilla na matagal na itong nagme-make-up at dumami lamang ang kanyang kliyente noong kasagsagan ng pandemya.

Sa ngayon ay naghahanda na siya sa pagkuha ng Criminology board exam. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog