PAMILYANG PILIPINO NA NAKARANAS NG GUTOM PUMALO SA 10.4% – SWS


 

PAMILYANG PILIPINO NA NAKARANAS NG GUTOM PUMALO SA 10.4% – SWS

 

Nakaulat ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan, batay sa June 2023 survey ng Social Weather Station. 

Nabatid sa datos ng SWS na nasa 10.4% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan. 

Mas mataas ito sa 9.8% hunger rate noong Marso ngunit mas mababa pa rin kumpara sa 11.8% noong Disyembre ng 2022 at 11.3% o 2.9 milyong pamilyang nagugutom na naitala noong Oktubre 2022. 

Pinakamaraming nakaranas ng gutom ay mula sa mga pamilya sa Metro Manila na nasa 15.7% 

Gayunman, bumaba naman ang hunger rate sa Mindanao sa 6.3% mula sa 11.7% noong Marso. 

Nabatid na isinagawa ang survey mula June 28-July 1 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 indibidwal na may edad 18 pataas. |Ni Teresa Iguid

 

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog