MGA TURISTANG DUMATING SA BORACAY NITONG HULYO, UMABOT SA 207K

 


MGA TURISTANG DUMATING SA BORACAY NITONG HULYO, UMABOT SA 207K

Ni John Ronald Guarin

 

Umabot sa 207,696 na mga turista ang dumating sa isla ng Boracay mula Hulyo 1 hanggang 31, 2023, base sa inilabas na datos ng Malay Tourism Office.

 

Mula sa naturang bilang, pinakamarami pa rin ang lokal na mga turista na nasa 163, 918; 4,137 naman ang mga OFW o Overseas Filipinos; at 39,641 naman ang foreign tourists.

 

Matandaan na sinabi ni Malay Mayor Frolibar Bautista na naabot ng gobyerno lokal ang 1-milyong mga turista sa unang bahagi ng 2023 at umaasa itong maaabot nila ang 2-million mark.

 

Sa kabila nito, pinaalalahan naman ng Malay Tourism Office na mag-book lamang sa mga travel agencies at accommodations na kinikilala ng Department of Tourism, Local Government of Malay, at Boracay Island Travel Agency & Tour Operators Association (BITATOA).

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog