BARBIE PINOY STYLE 🎀💅🏻

 


Ano kaya ang itsura nina Barbie at Ken kung nagmula sila sa Pilipinas?

Sa ibinahaging mga larawan ng NeoLabs AI na isang AI engineering company sa bansa, gumawa sila ng computer generated na mga imahe gamit ang artificial intelligence ng Pinoy style Barbie world.

Makikita rito ang Barbie house na may mga disenyo at gamit na tatak Pinoy.

“Inspired by the Barbie hype, we came up with an idea to create something we missed growing up: A Barbie that looked like us, living in a dollhouse inspired by our beautiful Filipino heritage” saad ng co-founder ng kumpanya na si Jannah Sandico.

Gumawa rin sila ng Barbie inspired na jeepney kung saan kuhang-kuha ang mga iconic na disenyo ng tradisyunal na pampublikong transportasyon sa bansa.

Kamakailan ay ni-release ang pelikulang Barbie na pinagbibidahan nina Margot Robbie at Ryan Gosling na muling nagpa-uso nito sa social media.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog