Inanunsyo ni Office of
Civil Defense (OCD) administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno na sisimulan
na ang implementasyon ng mitigation measures sa epekto ng El Niño phenomenon.
Ito ay bahagi ng masterplan
ng gobyerno para malabanan ang epekto ng El Nino at maprotektahan ang
vulnerable agricultural areas sa pamamagitan ng tamang water management.
Nitong Martes, nagsagawa ng
pagpupulong ang National El Niño team met kasama ang ilang private at international
partners para pag-usapan ang mga plano at aktibidad na tutugon sa epekto ng El
Nino.
Kaugnay nito, nagbahagi ng kani-kanilang
plano ang mga ahensya ng Agriculture (DA), Environment and Natural Resources
(DENR), Energy (DOE), Health (DOH) at Interior and Local Government (DILG) para
sa food security, water security, energy security, health at public safety. |
JURRY LIE VICENTE
0 Comments