Binigyang diin ni Sangguniang
Panlalawigan (SP) Member Nemesio Neron na ang paglalagay ng maayos na drainage
system ang solusyon sa problema sa sira-sirang kalsada sa Brgy. Bacan, Banga,
Aklan.
Ito ang inihayag ni SP
Neron sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo sa programang Sentensyador.
Aniya, dapat gawan ng
maayos na kanal ang lugar dahil ito ay “water saturated” dahilan na madali
itong masira.
Bukod dito, karamihan aniya
sa mga dumadaan dito ay ang mga malalaking uri ng sasakyan ngunit hindi ito
mapigilan dahil bahagi rin ito ng development ng probinsya.
Sinabi rin ng opisyal na
posibleng mabawasan ang mga pagkasira nito sa susunod na taon.
Sa kabila nito, hiniling
din ni Neron sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kung
pwedeng tanggalin ang mga punong kahoy sa lugar.
Paliwanag pa ng mambabatas,
ang mga punong kahoy sa tabi ng daan ang umiipon ng tubig sa mga kalsada
dahilan na nasisira ito kung kaya’t nararapat lamang na alisin ito.
Katunayan, ipinagbabawal
aniya ang pagtanim ng mga puno sa tabi ng kalsada dahil maaaring makapinsala
ito ng mga kabahayan sa panahon ng kalamidad.
Samantala, tinututukan na
aniya ng Aklan Provincial Government ang naturang problema at hindi magtatagal
ay masolusyunan din ito. | JURRY LIE VICENTE
(via Leonard Viray/Sentensyador)
0 Comments