IPHONE 15, ILALABAS NA NGAYONG SETYEMBRE


Naglabas na ng detalye ang Apple kung saan ibabandera na nila ang pinakabagong series ng iPhone.

Ibinunyag ng tech giant ang kanilang imbitasyon para sa “Wonderlust” na nakatakdang isagawa sa September 13, ala-1 ng umaga (Philippine Standard Time) at dito isasagawa ang paglabas ng: iPhone 15, iPhone 15 Plus, iPhone 15 Pro, iPhone 15 Pro Max, at iba pang gadgets tulad ng bagong Apple Watch line at AirPods.

Napag-alaman na karaniwang inilalabas ng Apple ang kanilang mga bagong series ng kanilang unit sa pangalawang bahagi ng taon tulad noong 2022, inilabas nila ang iPhone 14 series noong September 16.

Base naman sa ulat na ibinahagi ng Apple analysts at tech sites, ang nasabing line ng iPhones ay magkakaroon ng USB-C port imbes na Lightning connector.

Inaasahan din ang bagonGmodels ay magkakaroon ng Dynamic Island display at bagong button sa halip ng mute toggle. | JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog