15 HOUSING UNIT SA BRIONES, KINANDADO NG LGU MATAPOS MAKITAAN NG MGA PAGLABAG


 

Nasa labing limang pabahay sa Brgy. Briones Kalibo ang kinandado ng lokal na pamahalaan matapos makitaan ng mga paglabag.

Ito ang kinumpirma ni Punong Barangay Rafael Briones, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.  

Aniya, ang naturang mga housing unit ay itinuturing na “totally abandoned” sa lugar kung saan wala nang pintuan at bintana ang mga ito habang wasak din ang mga outlet nito.

Karamihan aniya sa mga ito ay ginagawa lamang na hideout ng ilang indibidwal.

Dagdag pa nito, marami pang housing unit ang pinapatuluyan sa ibang tao at hindi mismo ang totoong may-ari ang nakatira dito.

Kaugnay nito, nagsumite na si Kapitan Briones ng listahan sa LGU Kalibo at naghihintay na lamang ito ng kaukulang aksyon. 

Paliwanag pa nito, bago nilagyan ng padlock ang mga inabandona na housing unit ay nauna nang nakatanggap ng notice of disqualification o eviction ang mga may-ari nito.

Hiniling din nito sa LGU na kung sakaling magkaroon ng raffle para sa pabahay, ibigay ito sa mga totoong nangangailangan nito lalo na ang mga walang tirahan. |Ni Jurry Lie Vicente 

  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog