PAGLIMITA SA DALAWANG ORAS NA PAGGAMIT NG CELLPHONE NG MGA KABATAAN, INIREKOMENDA SA CHINA

 


PAGLIMITA SA DALAWANG ORAS NA PAGGAMIT NG CELLPHONE NG MGA KABATAAN, INIREKOMENDA SA CHINA

 

Kinokonsidera ng Tsina na limitahan ang paggamit ng cellphone sa dalawang oras sa isang araw ng mga batang wala pang 18-anyos.

Ito ang naging proposal ng Cyberspace Administration, ang internet regulator ng China, matapos ang naiulat na mga internet addiction kasabay ng pagsisikap ng gobyerno na maipatupad ang “good morality” at “socialist values” sa mga kabataan.

Ayon sa Cyberspace Administration of China (CAC), nais nitong ipakilala ng mga provider ng smart device ang tinatawag na minor mode programs na hahadlang sa mga user na wala pang 18 taong gulang na mag-access sa internet sa mga mobile device mula 10 p.m. hanggang 6 a.m.

Habang ang mga provider ay kailangan ding magtakda ng mga limitasyon sa oras sa ilalim ng mga iminungkahing reporma.

Sa pamamagitan nito, ang mga gumagamit na may edad 16 hanggang 18 ay papayagan ng dalawang oras sa isang araw, ang mga batang may edad na walo hanggang 16 ay makakakuha ng isang oras habang ang mga batang wala pang walo ay papayagan lamang ng walong minuto.

Sa kabila naman nito, ipinunto rin ng CAC na dapat pahintulutan ng mga service provider ang mga magulang na mag-opt out sa mga limitasyon ng oras para sa kanilang mga anak.

Matatandaan na una nang nagpatupad ng kahalintulad na hakbang ang China noong nakalipas na taon, na layong malimitahan ang screen time ng mga kabataan at mabawasan ang exposure sa “undesirable information”. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog