CELEBRITY COUPLE COLEEN AT BILLY CRAWFORD, NAGKASUNDONG “MAGHIWALAY MUNA” PARA MAKAPAG-POKUS SA SHOWBIZ CAREER

 



CELEBRITY COUPLE COLEEN AT BILLY CRAWFORD, NAGKASUNDONG “MAGHIWALAY MUNA” PARA MAKAPAG-POKUS SA SHOWBIZ CAREER


Nagdesisyong maghiwalay muna ang celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford upang makapag-focus ang mga ito sa kanilang career.

Ito ang naging pahayag ng aktres matapos isiniwalat nitong hindi ito makakasunod pati ang anak nilang si Amari sa France dahil sa dumadaming trabahong nakapila sa kanya.

Ani pa nito, oras na umano na balikan nito ang pag-arte lalo na’t matagal itong nawala sa industriya dahil inuna nito ang pamilya.

Napag-alamang matagal nang naiplano nina Coleen at Billy ang pag-alis sa bansa kasama ang anak na si Amari ngunit naaantala ito dahil sa sunod-sunod na trabahong inaalok sa kanilang mag-asawa.

Sa ngayon ay nasa France si Billy dahil sa 18 shows na gagawin nito habang naiwan naman sa Pilipinas ang kanyang mag-ina kung saan nakatakdang makakasama sa isang romantic drama series na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” si Coleen na mapapanood sa Agosto 21 sa streaming app na Viva One. |Ni Sam Zaulda

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog