2 KADETE, HINATULANG 'GUILTY' SA HAZING INJURIES NG EX-PMA STUDENT NA SI DORMITORIO

 


2 KADETE, HINATULANG 'GUILTY' SA HAZING INJURIES NG EX-PMA STUDENT NA SI DORMITORIO

 

Hinatulang ‘guilty’ sa kasong "slight physical injuries" ang dalawang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sangkot sa pagkamatay ng hazing victim na ex-PMAer na si Darwin Dormitorio. 

Hinatulang nagkasala ng Baguio court sina Julius Carlo Tadena, Christian Zacarias kaugnay ng dinanas ni Dormitorio noong Setyembre 2019. 

Habang tatlong doktor naman ang naabswelto para sa "reckless imprudence resulting in homicide."

Mababatid na hiwalay pa ito sa kasong "murder" na inihain kaugnay ng hazing, ayon sa abogado ng pamilya Dormitorio na si Jose Adrian Bonifacio. 

Mababatid na graduate na sana sa top military school ng Pilipinas si Dormitorio nitong Mayo kung hindi ito namatay dahil sa hazing. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog