PAGKUHA, PAGBENTA, AT PAGKAIN NG MGA SHELLFISH SA CAPIZ, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

 


PAGKUHA, PAGBENTA, AT PAGKAIN NG MGA SHELLFISH SA CAPIZ, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

Ni John Ronald Guarin

 

Mahigpit na ipinagbabawal ng City Agriculturist ang pagkuha, pagbenta, at pagkain ng mga shellfish matapos na makitang may banta ng red tide sa ilang mga bayan sa probinsya.

 

Ayon kay Mary Ann Baria ng City Agriculturist, pinadala na ang water at meat sample ng mga shellfish mula sa Provincial Agricultural Office-Capiz sa central laboratory ng Bureau of Fisheries and Aquatic resources (BFAR) para magsilbing confirmatory sa sinasabing red tide sa Capiz.

 

Kamakailan lamang, nagsagawa ng water sampling ang Capiz Agri-Aqua Laboratory at dito natagpuan na mayroong Pyrodinium bahamese ang tubig, kung saan sinyales ito na mayroon nang Paralytic Shellfish Poisoning o red tide.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog