BAGYONG GORING, POSIBLENG MAGING SUPER TYPHOON-PAGASA


 

May posibilidad na maging isang super typhoon ang bagyong #GoringPH, ayon sa PAGASA. 

Batay sa pinakahuli nitong ulat, posibleng lumakas pa ang bagyo at maaaring umabot sa typhoon category bukas, saka ito inaasahang mas lalakas pa. 

Posible anyang umabot sa 'peak' ang lakas ng bagyo sa Linggo ng gabi at inaasahang mapapanatili pa ang lakas nito. 

Sa kasalukuyan nakataas ang Signal No. 1 sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands, silangang bahagi ng mainland Cagayan, at silangang bahagi ng Isabela. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog