PAGGAWA NG BIKE LANES SA MGA PILING KALSADA SA KALIBO, TARGET MATAPOS SA IKAAPAT NA QUARTER NG 2023-DOTR


Matapos ang isinagawang Groundbreaking Ceremonies ng dalawang proyekto sa Aklan na kinabibilangan ng Expansion of Active Transport Infrastructure Project at Kalibo Airport Resettlement Project, inaasahan naman na sisimulan na ang paggawa ng Bike lanes sa bayan ng Kalibo.


 

Ito ang inihayag ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista, makaraang matanong kung kailan sisimulan ang pagbuo sa naturang proyekto. 

Aniya, kasama sa expansion project ang 13.16-kilometro ng Class 1, 2, at 3 na bike lane sa mga piling kalsada ng nasabing bayan na may kabuuang P42 milyong pondo ang inilaan. 

Ipinunto ni Bautista na malaking tulong itong hakbang upang mabawasan ang iba pang sasakyan sa kalsada na magpapaluwag sa traffic maliban pa sa benepisyo sa kalusugan na hatid nito. 

Kaugnay dito, tiwala naman ang kalihim na aabot pa sa 400KM ang maidadagdag sa kahalintulad na proyekto sa buong bansa. 

Samantala, target naman itong makumpleto sa ikaapat na quarter ng 2023, kung saan nangako din si Bautista na babalik ito sa December 5 upang pangunahan ang inagurasyon dito. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog