CHINA COAST GUARD, BINOMBAHAN NG TUBIG ANG PCG NA PAPUNTANG AYUNGIN SHOAL

 


Ilegal na ginamitan ng water cannons ng China Coast Guard ang sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard na patungong Ayungin Shoal upang maghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre.

Sa isang pahayag, kinondena ng PCG ang “mapanganib na mga maniobra at iligal na paggamit ng mga water cannon” ng CCG laban sa kanilang sasakyang pandagat na nag-escort sa mga katutubong bangka na pinaarkila ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maghatid ng pagkain, tubig, gasolina, at iba pang suplay sa mga tropang militar na nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Ayon kay PCG Spokesperson ng West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nananawagan ito sa CCG na irespeto ang sovereign rights ng Pilipinas sa kanilang exclusive economic zone at continental shelf.

Dagdag pa nito, dapat na papanagutin din aniya ang mga indibidwal na sangkot sa hindi makatarungang insidente.

Binigyang-diin din ng PCG na ang naturang pag-atake ng CCG ay hindi lang umano pagbalewala sa seguridad ng mga crew at supply boats, kundi nilabag rin nito ang international law kabilang na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at ang 2016 Arbitral Award. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog