P246M NA PONDO PARA SA LIBRENG PABAHAY SA MGA APEKTADO NG KALIBO AIRPORT EXPANSION, KINUMPIRMA NG DOTR

 


Aabot sa P246 milyon ang inilaang pondo ng Department of Transportation sa pagpapagawa ng housing units para sa mga apektadong residente ng airport expansion. 

Ito ang kinumpirma ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista, kasabay ng kaniyang pagbisita sa probinsya ng Aklan upang saksihan ang Groundbreaking Ceremonies ng Expansion of Active Transport Infrastructure Project at Kalibo Airport Resettlement Project. 

Kaugnay dito, sa nasabing halaga aasahan ang nasa 180 units ng libreng pabahay ang ibibigay sa mga apektado nitong airport expansion. 

Habang ipinaliwanag naman ni Kalibo Mayor Juris Sucro na itong bilang ng pabahay ay nakadepende pa sa magiging resulta ng validation ngunit sakali man aniyang ito’y kulangin maaari pa rin silang mag-request ng pondo mula sa DOTR para dito. 

Samantala, ipinasiguro din ni Bautista na nakikipagtulungan na sila sa TESDA sa mga hakbang at training na posible nilang gawin para sa mga indibidwal na apektado ang trabaho dahil sa nasabing proyekto. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog