PAGDEMOLISH NG CENTER ISLAND SA BAHAGI NG ROXAS AVENUE, PARTE NG PAG-ASENSO NG KALIBO- MARK SY

 


 

Parte ng pag-asenso ng Kalibo ang ilang pagbabago na nakikita ng publiko. 

Ito ang binigyang-diin ni LGU Kalibo Barangay Affairs Head Mr. Mark Sy matapos na matanong sa programang Foro De Los Pueblos kaugnay sa iba’t-ibang reaksyon at komento ng publiko matapos ang pag-demolish sa kongkretong center island sa bahagi ng Roxas Avenue. 

Aniya, naiintindihan nito na hindi lahat ay pabor sa pagtanggal ng center island upang bigyang daan ang naturang proyekto ngunit kailangan din aniyang tanggapin ng mga ito na ang mga kahalintulad na hakbang ay bilang parte ng improvement ng nasabing bayan. 

Ipinunto rin nito na taliwas sa mga nagsisilabasang komento sa social media ay walang natatanggap si Kalibo Mayor Juris Sucro sa anila’y “SOP” na nakukuha sa mga dumarating na proyekto. 

Katunayan ayon kay Sy, ang alkalde pa mismo ang nagbibigay sakali man na kulangin ang pondo para sa ilang programa/proyekto na layong mapaganda ang nasabing bayan. 

Inihayag rin nito na bago pa man sa kanila nakipag-ugnayan ang DOTR ay mayroon nang nanalo na bidder para sa bike lane project na itinuturing din aniya nilang malaking tulong upang mabawasan ang iba pang sasakyan sa kalsada na magpapaluwag sa traffic at iba pang benepisyo lalo na sa kalusugan. 

Samantala, inihayag din ni Sy na ang 60-year old na center island sa Roxas Avenue ay hindi parte ng historical heritage. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog