BULKANG MAYON MAS TUMINDI ANG PAG-ALBURUTO NA NAKALIPAS NA 24 ORAS



Nagtala ng nasa 126 na volcanic earthquakes at 179 rockfall events sa nakalipas na 24 hours ang bulkang Mayon na mahigit isang buwan nang binabantayan dahil sa posibleng pagsabog.

Hindi pa rin inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 3 sa nasabing bulkan dahil patuloy pa rin ang abnormal na aktibidad nito, na lubhang mapanganib sa mga residente na malapit sa lugar.

Nagbabala naman ang Phivolcs na kapag sumabog ang bulkan ay magiging mapaminsala ito at tatagal ng ilang araw o isang linggo.

Samantala, umabot na sa 38, 000 na katao ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Mayon kung saan 18,000 nito ay inilikas sa 27 evacuation centers habang 1,000 ay nakitira sa mga bahay ng mga kakilala. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog