COMELEC AKLAN, NAGHAHANDA NA PARA SA BSKE 2023

 


Naghahanda na ang Commission on Election (COMELEC) Aklan para sa paparating na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ang inihayag ni Comelec Aklan Spokesperson Crispin Reymund Gerardo sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, abala sa ngayon ang lahat ng tanggapan ng ahensya sa pag-aasikaso ng publiko at mga aspirante na gustong mag-file ng Certificate of Candidacy (COC).

Kaugnay nito, naghahanda rin sila sa pagtalaga ng mga electoral board na magbabantay sa darating na eleksyon upang mapaghandaan sakaling magkaroon ng mga disqualification.

Katunayan, pinaghahandaan din nila ang security aspect ng eleksyon kung saan nagkita na aniya ang Provincial Joint Security Commander, Provincial Director ng Comelec, Commander officer ng Philippine National Police bilang paghahanda para sa seguridad ng halalan.

Gayundin ang Municipal Election Officers, Chief of Police, representante ng Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ang Philippine Coast Guard at Maritime Police.

Samantala, bibigyan naman aniya ng atensyon ng Comelec ang mga lugar na itinuturing na Areas of Concern habang mayroon naman ng deployment plan ng security sa mga malalayong lugar. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog