PAG-STANDARDIZE SA PAGBEBENTA NG MGA KARNE SA KALIBO,
ISINUSULONG
Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang pag-standardize ng mga ibinebentang karne sa nasabing bayan sa pamamagitan ng “Kalibo Meat Inspection Code of 2023”.
Sa isinagawang session ng Sangguniang Bayan ng Kalibo, iminungkahi ni SB Member Atty. Christine Dela Cruz na kailangan ang pag-standardize ng mga ibinibentang karne mula sa pagproseso nito maging sa slaughter house at pag-transport ng mga ito.
Ito ay upang maiwasan na makontamina ng bacteria ang mga karne na ibinebenta at kinukunsumo ng publiko.
Kaugnay nito, inimbitahan ang mga Punong Barangay sa mga kabarangayan ng Kalibo upang mapag-usapan ang pagkatay ng karne sa slaughter house sa Tinigaw, Kalibo.
Inirekomenda rin ang tamang pag-transport sa lahat ng uri ng karneng kinakatay sa slaughter house kung saan dapat itong nakalagay sa cold storage na sasakyan at close van.
Dahil dito, ipinagbabawal na ang dating pag-transport ng mga karne na kinakarga sa tap down na sasakyan.
Samantala, kapag ito ay naging batas, mahaharap sa kaukulang penalidad ang sinumang lalabag dito. |Ni Jurry Lie Vicente
0 Comments