PAG-REREGULATE NG MGA TALIPAPA SA KALIBO, INIREKOMENDA NG MGA BARANGAY CAPTAIN

 




PAG-REREGULATE NG MGA TALIPAPA SA KALIBO, INIREKOMENDA NG MGA BARANGAY CAPTAIN


Iminungkahi ng mga Barangay Captain sa bawat barangay sa Kalibo ang tamang pag-regulate ng mga talipapa sa kabarangayan ng nasabing bayan.

Sa isinagawang session ng Sangguniang Bayan (SB) ng Kalibo, binigyang atensyon ni Punong Barangay Daisy Andrade ng Estancia Kalibo ang tamang pag-regulate ng mga talipapa sa bawat barangay na sakop ng Kalibo.

Aniya, karamihan sa mga ito ay nagbebenta sa tabi ng kalsada, walang takip ang mga karne at hindi naman ito nauubos sa loob ng isang araw.

Bukod  dito, mabaho rin aniya at malansa ang amoy nito habang wala ring drainage ang mga barangay.

Dahil dito, maituturing aniya na hindi ito malinis at mahirap na kapag magkasakit ang publiko.

Nilinaw din nito na hindi ipinagbabawal ang mga talipapa dahil isa ito sa mga pinagkakakitaan ng ilang residente.

Katunayan, kailangan lamang aniyang ayusin ang mga ito at turuan ng kalinisan upang hindi makaapekto sa kalusugan ng publiko. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog