VISAYAS WEATHER UPDATE | AUGUST 2, 2023
(valid until August 3, 2023 - 5:00 pm)
Ang buong Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms.
Ang Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng halos maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulo hanggang kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. | JOHN RONALD GUARIN
0 Comments