OEC, LIBRE NA PARA SA MGA BALIK MANGGAGAWANG OFW

 


OEC, LIBRE NA PARA SA MGA BALIK MANGGAGAWANG OFW


Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na libre na ang overseas employment certificate para sa mga balik manggawang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon sa DMW, tinanggal na ang bayarin para sa overseas employment certificate (OEC) epektibo noong Hulyo 29.

Hindi na rin ni-rerequire ang issuance ng official receipts para sa certificates.

Samantala, ang naturang hakbang ay kasunod ng paglunsad ng ahensya ng “OFW Pass” application na maaaring gamitin ng migrant workers upang ma-access ang digital at secure version ng OEC. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog