ISYU SA HOUSING UNIT SA BRIONES KALIBO, HINDI PA RIN TAPOS- BARANGAY RAFAEL BRIONES






ISYU SA HOUSING UNIT SA BRIONES KALIBO, HINDI PA RIN TAPOS- BARANGAY RAFAEL BRIONES



Patuloy pa ring pinoproblema ng Briones Kalibo Barangay Council ang mga housing unit sa naturang barangay.

Ito ang ipinaabot ni Punong Barangay Rafael Briones, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, isa sa mga problema ay hindi ang totoong nagmamay-ari ng unit ang umuukupa sa pabahay habang ang iba naman ay bumibisita paminsan-minsan sa lugar.

Maliban dito, problema rin ang mga nangyayaring gulo sa pabahay tuwing dis-oras ng gabi dahil hindi kaagad ito nabibigyan ng aksyon sa kadahilanang maging ang mga inihalal na lider para dito ay hindi rin aniya nakatira sa housing.

Dagdag pa ni Kapitan Briones, meron din aniyang police outpost sa lugar ngunit wala namang nakabantay na pulis.

Sa ngayon, tanging Barangay Tanod na lamang ng nasabing barangay ang nagroronda sa gabi ngunit kapag umuwi na ang mga ito ay doon din aniya nagkakaroon ng gulo sa lugar.

Kaugnay nito, nais ng opisyal na mabigyan ng aksyon ang mga suliraning kinakaharap ng mga residente sa lugar.

Gayunpaman, hiniling nito sa lokal na pamahalaan ng Kalibo na maging patas sa pamamahagi ng housing at ibigay ito sa mga nararapat na benepisyaryo. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog