PAG-IMPORT NG BIGAS, KINAKAILANGAN AYON SA PCAFI

 



Inanunsyo ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) na kailangang mag-import ng bigas dahil maaaring tumaas pa ang presyo nito ng P2 hanggang P4 kada kilo.

Dapat direkta umanong makipag-ugnayan ang Pilipinas sa ibang bansa upang matiyak ang supply ng bigas.

Ayon naman sa Department of Agriculture, pinagbabawalan ang gobyerno na mag-import maliban na lamang kung may kakulangan sa supply nito.

Samantala, sinabi ng United Nations Food and Administration Organization Rice Price Index na umabot na sa 12-year high ang presyo ng bigas dahil sa kakulangan ng supply at mataas na presyo sa ilang bansa na nag-export ng bigas tulad ng  Vietnam. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog