BALIKTAD NA PHILIPPINE FLAG NG DRONE TECH, BINATIKOS

 



Maraming netizens ang napa-react sa idinisplay na baliktad na Philippine flag sa pagtatapos ng Palarong Pambansa 2023.

Kung saan, sa halip na asul ang dapat nasa taas ay pula ang makikita sa formation ng DroneTech.



Dahil dito, mariing kinondena ng Marikina City Government sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ang nangyari at nagbantang sasampahan ng kaso ang Dronetech ph upang mapanagutan ng may sala ang naturang pangyayari.



Mabilis namang nagpahayag ng public apology ang Drone Tech Philippines sa nangyari at nilinaw na dahil sa masamang panahon at signal interference ay hindi sila nakapag-testing. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog