DATING PAKISTAN PM IMRAN KHAN NAKATAKDANG IKULONG NG 3 TAON DAHIL SA KORAPSYON

 



Nakatakdang ipakulong ang dating Pakistan prime minister Imran Khan sa loob ng tatlong taon matapos na mapatunayang guilty sa graft. 

Dahil dito, nagdaos ng kilos-protesta ang ilang tagasuporta niya sa bansa matapos arestuhin ng pulisya ang dating international cricket star sa kanyang tirahan sa Lahore. 

Matatandaan na una nang inaresto noong Mayo si Khan sa Islamabad dahil sa kaparehong kaso, dahilan para magkaroon ng tensyon sa mga taga-suporta ng kanyang Pakistan Tehreek-e-Insaf (PTI) party matapos makasagupa ang mga pulis. 

Mababatid na sinumang mahatulan ng criminal offense sa Pakistan ay diskwalipikado nang lumaban sa eleksyon sa susunod. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog