Pangarap
ni Manny "Pacman" Pacquaio na makakuha ng gold medal sa pamamagitan
ng pagsali sa darating na 2024 Paris Olympics.
Sa
isang pahayag, sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham
'Bambol' Tolentino, nakipag-usap na ito sa Association of Boxing Alliances in
the Philippines (ABAP) at sa International Olympic Committee (IOC) hinggil sa
planong pagsali ni Pacquiao sa Olympic.
Nabatid
na kwalipikado pa si Pacquiao sa Olympic sa edad 44-anyos sa pamamagitan ng
dalawang Olympic qualifying tournament sa una at ikalawang quarter ng 2024.
Kaugnay
dito, handa ring tumulong si ABAP chairman Ricky Vargas kay Pacquiao para
mapabilang ito sa national team.
| JURRY
LIE VICENTE
0 Comments