Makakatanggap ng ayuda mula
sa gobyerno ang mga Backyard Hog Raisers ng Kalibo lalo na ang mga naapektuhan
ng African Swine Fever (ASF).
Ito ay matapos na kinatay
ang kanilang mga alagang baboy dahil nahawaan ng sakit na African Swine Fever
(ASF) habang ang iba naman ay boluntaryong nagpakatay matapos magpositibo sa
nasabing sakit.
Sa isinagawang orientation
ng lokal na pamahalaan ng Kalibo, nasa ₱15,000 ang ibibigay na tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.
Napag-alaman
na kailangang magsumite ng proposal ang mga ito kung saan nila gagamitin ang
matatanggap na pera.
Samantala, ilan lamang sa
mga proyekto ng mga benepisyaryo ay ang dagdag na kapital para sa palayan, poultry
broiler production, sari-sari stores at iba pa.
| JURRY LIE VICENTE
0 Comments