ASIA ARTIST AWARDS, GAGANAPIN SA PILIPINAS NGAYONG DECEMBER 2023


Inanunsyo ng StarNews Korea na gaganapin ang Asia Artist Awards (AAA) sa Pilipinas sa Disyembre 14, 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ito unang beses na magiging host ang bansa sa naturang awards ceremony, kung saan kinikilala rito ang Asian artists sa pelikula, telebisyon at musika.

Tampok din dito ang Korean actors at artists, pati na rin ang iba pang Asian artists.

Sa nasabing seremonya ngayong taon, co-host dito ang Asia Artist Awards Organizing Committee, TONZ Entertainment, at PULP Live World.

Sa ngayon, wala pang detalye kung sino ang magiging guest performers at presenters.

Noong 2022, ginanap ang AAA sa Nippon Gaishi Hall sa Nagoya, Japan, kung saan bumida rito ang South Korean pop groups na SEVENTEEN, NewJeans, Stray Kids, KARD, at IVE, pati na rin ang mga Korean drama actors tulad nina Kim Seon-ho, Kim Sejeong, at Park Min-young.

 

| JOHN RONALD GUARIN

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog