CLARKSON, SOTTO, NAG-ENSAYO NA KASAMA ANG GILAS PILIPINAS

 


CLARKSON, SOTTO, NAG-ENSAYO NA KASAMA ANG GILAS PILIPINAS

Ni John Ronald Guarin

 

Patuloy ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit ng FIBA World Cup 2023.

 

Kumpleto ang koponan ng Pilipinas matapos na nakapag-ensayo sina Jordan Clarkson at Kia Sotto sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Miyerkules, Agosto 10.

 

Sa Instagram post ni head coach Chot Reyes, makikita na kasama na sina Clarkson at Sotto sa closed-door practice ng Gilas.

 

Sa kabila nito, hinihintay din ang pagbabalik ni star guard Scottie Thompson mula sa kaniyang paggaling sa nabali niyang kamay.

 

Aarangkada ang unang laro ng Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 sa Agosto 25, araw ng Biyernes, kung saan makakalaban nila ang world No. 23 na Dominican Republic sa Philippine Arena sa Bulacan.

 

Makakasama rin ng Pilipinas sa Group A ng World Cup ang world No. 10 Italy, at No. 41 Angola.

 

(via Rappler)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog