PA-RESERVE NA MGA KABANDERA, AVAILABLE PANORAMA PENTHOUSE ₱388-M LANG

 


PA-RESERVE NA MGA KABANDERA, AVAILABLE PANORAMA PENTHOUSE ₱388-M LANG

Viral sa social media ang ibinebentang Panorama Penthouse ng Monterrazas de Cebu dahil sa tumataginting na P388 million na presyo ilang units nito.

Umani ito ng nakakatuwang reaksyon sa social media dahil sa napakamahal na presyo ng property.

Pero ayon sa developer ng lugar, hindi matatawaran ang kayang ibigay nitong halaga sa mga bibili dahil sa napakagandang panoramic view ng Cebu skyline.

Kita rin sa mga ibinahaging larawan ang metikulosong disenyo ng bawat unit ng Penthouse na gawa sa dekalibreng mga kagamitan.

Ang nasabing proyekto ay pinangalanang ‘The Rise’ na ipinasilip ng sikat na Engineer na si Slater Young bilang bago nitong development.

Naging inspirasyon ng disenyo nito ay ang Banaue Rice Terraces kung saan isang uri ng istruktura na prayoridad ang sustainability. | Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog