LALAKI SA CHINA, BUHAY PA RIN KAHIT TINAMAAN NG KIDLAT NG DALAWANG BESES

 


LALAKI SA CHINA, BUHAY PA RIN KAHIT TINAMAAN NG KIDLAT NG DALAWANG BESES

Ni John Ronald Guarin

 

Itinuturing na swerte ang isang lalaki sa China matapos na manitiling buhay kahit tinamaan ng kidlat ng dalawang beses sa loob limang minutos.

Ayon sa ulat, nasa labas ng bahay si Liu Nan sa Zunyi, Guizhou Province kahit mayroong thunderstorm, nang bigla siyang tinamaan ng puting kidlat at nawalan ng malay sa sahig.

Nang magising ito, muli na naman siyang tinamaan ng nasabing kidlat at nawalan uli ito ng malay.

Himalang nagising sa pangalawang beses si Liu, at nakita niyang natakot ang kaniyang asawa at mga anak. Kaya agad nilang dinala sa ospital ang lalaki.

Sa pahayag ng mga doktor, kinumpirma nilang dalawang beses tinamaan ng kidlat si Liu, kung saan nagkaroon it third-degree burns sa kaniyang mga paa, likuran, at baywang.

Napag-alaman maliit lamang ang tsansa na mabuhay ang isang tao kung matamaan ito ng kidlat, nasa 1-in-15,300 chances.

Lalong mas mababa naman ang tsansa kung dalawang beses matamaan ng kidlat ang isang indibidwal.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog