GURO, NALUNOD-PATAY SA ILOG HABANG PAUWI MULA SA PAARALAN SA AGUSAN

 


GURO, NALUNOD-PATAY SA ILOG HABANG PAUWI MULA SA PAARALAN SA AGUSAN

Ni John Ronald Guarin

 

Binawian ng buhay ang isang guro na galing sa eskwelahan matapos itong malunod at tangayin ang sinasakyan nitong balsa ilog ng Esperanza, Agusan Del Sur.

 

Natagpuan nitong Agosto 25, Biyernes, ang bangkay ng gurong si Junard Saguidon na nagpapalutang-lutang sa Pusilao River sa Sitio Balobo, Purok 5, Barangay Bunaguit ng naturang bayan.

 

Sa pahayag ng kaibigan ng biktima na si Elmer Tayon, galing umano sa paaralan ang biktima matapos dumalo sa pagtatapos ng National Learning Camp.

 

Sakay ng balsa, tatawid na ang biktima kasama ang tatlo pang guro sa Calabuan River nang bigla na lamang rumagasa ang malakas na tubig sa ilog.

 

Napag-alaman ding pinayuhan ng mga residente ang apat na guro na huwag na tumawid dahil sa estado nito, ngunit nagpumilit pa rin ito at itinuloy na ang pagtawid.

 

Dahil dito, nalunod si Saguidon habang nakaligtas ang tatlo niyang kasamahan.

 

Nakiramay na ang pamunuan ng Department of Education Caraga sa pagkamatay ng gurong si Saguidon. |via Remate

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog