P87-MILYON LOTTO JACKPOT PRIZE, NAPANALUNAN NA



Solong maiuuwi ng isang maswerteng mananaya ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Aabot naman sa mahigit P87-milyon o katumbas ng P87,051,450.20 ang napanalunang premyo ng maswerteng bettor matapos lumabas sa draw ang numerong 18-22-30-55-26-05.

Sa kabilang banda, isa pang mananaya ang nakakuha ng jackpot prize sa 6D Lotto na aabot sa P401,578.00 matapos tumama ang mga numero nitong 2-2-2-7-0-3.

Habang wala pang jackpot winners ang nakakuha ng premyo sa Superlotto 6/49 at Lotto 6/42. |Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog