NORTH KOREA, MULING BINUKSAN SA MGA RESIDENTENG NANINIRAHAN ABROAD

 


 

Niluwagan na ng North Korea ang mahigpit nitong pandemic-era isolation matapos muling payagan na makapasok sa bansa ang mga residenteng naninirahan abroad. 

Ayon sa state run Korean Central News Agency (KCNA), inanunsyo ng State Emergency Epidemic Prevention Headquarters na ang mga mamamayan sa ibang bansa ay pinayagang makauwi.

Magugunita na isinara ng North Korea ang mga hangganan nito noong 2020 bilang tugon sa COVID-19 pandemic. 

Samantala, bago pa man ang anunsyo, mapapansin na malaya ang paggalaw ng mga tao papasok at palabas ng North Korea, tulad ng mga nakilahok na Chinese at Russian officials sa military parade sa Pyongyang noong Hulyo. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog