DRAYBER NA NANGHAMPAS SA ULO AT NAGKASA NG BARIL SA ISANG SIKLISTA, SUMUKO NA SA AWTORIDAD

 


DRAYBER NA NANGHAMPAS SA ULO AT NAGKASA NG BARIL SA ISANG SIKLISTA, SUMUKO NA SA AWTORIDAD

Ni John Ronald Guarin

 

Hawak na ng Quezon City Police District ang lalaking drayber ng pulang sasakyan na nanghampas sa ulo at nagkasa ng baril sa isang siklista malapit sa Welcome Rotonda sa Quezon City noong Agosto 8, 2023.

 

Nang nag-viral ang naturang video, kaagad na natukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.

 

Ayon sa regional director ng National Capital Region Police Office na si PBGen. Melencio Nartatez, Jr., nakipagtulungan sa mga imbestigador ng bawat Police District para makumpiska ang mga gamit ng lalaki.

 

Sa kabila nito, inihayag din ng drayber ng pulang sasakyan, sa naganap na press conference sa Camp Karingal, Quezon City, na nagkasundo na sila ng siklista noong mismong araw sa Quezon City Police Station 11.

 

Sa pahayag naman ng QCPD, kasong administrado lamang ang isasampa sa lalaki dahil titingan pa kung mayroong license to own ito.

 

(via ABS-CBN News)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog