MURDER CASE VS TEVES, PORMAL NANG INIHAIN NG DOJ


 

Naisampa na ng Department of Justice ang kasong kriminal laban kay dating Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr. 

Ito ang kinumpirma ni Atty. Mico Clavano, spokesperson ng DOJ, na Agosto 18 pa naihain sa Manila RTC ang mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder laban kay Teves na may kaugnayan sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. 

Aniya, hinihintay pa ng DOJ ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa natanggal na kongresista. 

Kaugnay nito, nagsumite na rin ng kahilingan sa korte sa Negros ang DOJ upang mailipat sa Maynila ang paglilitis sa kaso. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog