Pinag-aaralan ngayon sa bayan ng Kalibo ang pagbibigay ng night special permit para sa mga tricycle drivers na pumapasada ng gabi.
Sa programang Foro De Los Pueblos, sinabi ni SB Member Ronald Marte na layon nitong hakbang na mawala na ang mga colorum sa nasabing bayan.
Dahil dito, plano aniya nilang magkaroon ng ilang mga panuntunan partikular ang pagpapasuot ng uniform sa naturang mga drivers upang mas madaling matukoy sakaling magkaroon ng problema o reklamo kapareho ng pananamantala sa mga pasahero ng mga ito.
Sa kabila nito ay ipinasiguro din ni Marte na hindi maaapektuhan ang mga may prangkisang driver na nagnanais na mag-extend ng oras sa pagpasada sa gabi.
Samantala, binigyang-diin din nito na bago ito maipatupad ay masusi muna itong pag-aaralan. |
0 Comments